Hanapan ang Blog na Ito

Martes, Hunyo 2, 2015

Ang sarap maging bata

Sino bang hindi naranasan ang pagiging bata? Oo nga't bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang karansan ng pagiging bata. Marami sa atin makukulay ang karanasan pero meron din namang madilim ang karanasan. 
Matatawag kong makulay ang karanasan ko pagdating sa aking pagkabata. Ang panahon ko kasi ay ang panahon kung saan nahahati na sa makaluma at makabagong pamamaraan ang paglalaro. Sa panahon ko nauso ang mga laruang gaya ng tamagotchi, game boy, arcade, family computer at ang makasaysayang brick game. Subalit kahit noong mga panahong iyon umuusbong ang makabagong teknolohiya, hindi pa rin nawawala ang mga larong nakagisnan na ng mga magulang ko, natin, gaya ng teks, piko, patintero, tumbang preso, luksong baka, atbp.
Maaaring sa pamamagitan ng pagsusulat kong ito ay maihayag ko sa bagong henerasyon kung gaano kasarap ang pagiging bata sa pamamgitan ng mg bato sa kalsado, sa mga tansan na hinihingi ko sa tindahan.

Gusto ko ring alalahanin ng mga taong katulad ko na naranasan ang saya ng kabataan at ibahagi rin nila ang sarili nilang karanasan tungkol sa kanilang kabataan, masaya man yan o malungkot.
Sa mga susunod na posts ko ay ikukwento ko na kung paano ko ginawang makulay ang aking pagkabata




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento