Syempre bilang bata ay maghahanap ka na naman ng pwede mong gawing kasiyahan habang naliligo ka sa ulan,hindi yung puro lang tayo tambay sa alulod ng kapitbahay. Kahit anong lamig ng tubig ay hindi natin 'yan iniinda, kahit pa umihip ang malakas na hangin ay hindi tayo patitinag.
Minsan lang'to. Minsan lang tayong payagan na maligo sa ulan kung kaya't sinusulit na natin 'yan.
Isa sa pinakamadalas laruin sa lugar namin ay ang batuhang putik. Kung pakikinggan ay parang maruming laro, pero may technic diyan. 'Wag kang magsusuot ng puting damit. Oo, 'wag kang magsusuot niyan dahil kapag nagsuot ka niyan at naputikan, panigurado hindi ka na muli pang papayagang maligo sa ulan. Kung puti ang suot mo syempre maghubad ka na lang, kung babae ka naman at ayaw mong hubarin mamimili ka lang; maglalaro kang nakadamit o hindi ka maglalaro.
Madali lang ang konsepto nitong laro, bubuo lang ng dalawa o higit pang grupo, pero hangga't maaari ay dalawang grupo lang. Wala talaga itong rules o batayan kung sino ang panalo basta batuhin mo lang ng batuhin ang kalaban mo.
Masarap laruin ito lalo na sa mga batang gaya ko na mahilig magtatatakbo noon. Madalas man akong pagalitan ng mama ko, sulit naman ang paglalaro ko.
Nilalaro din namin ang iba pang mga laro na nilalaro namin kahit hindi umuulan gaya ng mata-mataya. Luksong baka o tinik, taguan atbp.
Bibihira ang mga pagkakataon sa mga batang tulad ko ang makapaligo sa ulan kung kaya isa ito sa mga napaka memorable sa aking alaala. Ikaw ba anong karanasan mo noong bata ka sa tuwing umuulan? Kwento ka naman sa pamamagitan ng pagcomment sa ibaba.
Bibihira ang mga pagkakataon sa mga batang tulad ko ang makapaligo sa ulan kung kaya isa ito sa mga napaka memorable sa aking alaala. Ikaw ba anong karanasan mo noong bata ka sa tuwing umuulan? Kwento ka naman sa pamamagitan ng pagcomment sa ibaba.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento